Isang lasing ang tumabi sa isang pari sa loob ng MRT isang gabi. Amoy na amoy alkohol ang mama, puno ng lipstick ang leeg at may mantsa pa ng pulutan ang damit nito.
Binuklat nito ang dalang peryodiko at saka binasa. Maya-maya'y lumingon ito sa pari at nagtanong: "Father, ano ba ang sanhi ng rayuma?"
"Alam mo, iho, ang rayuma ay nakukuha sa kawalang disiplina sa sarili, sa sobrang pambabae, pag-inom ng alak at paninigarilyo," sagot ng pari.
"Ganoon ho ba?" pakli nito at binalikan ang binabasa.
Nakunsensiya ang pari sa sobrang anghang ng kanyang naging sagot kaya muli niya itong kinausap. "Pasensiya ka na, iho, kailan pa ba yang rayuma mo?"
"Ah, wala po akong rayuma, Father. Pero sabi dito sa diyaryo ang Kardinal daw po meron."
Friday, July 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment