Si Raul ay houseboy ng mayamang mag-asawa sa isang eksklusibong subdvision sa Makati. Sexy, maganda, at di hamak na mas bata ng ilang taon ang amo niyang babae kesa sa amo niyang lalake.
Isang gabi, nagsabi ang mag-asawa na gagabihin sila ng uwi. Subalit laking gulat ni Raul nang dumating nang maaga at nag-iisa ang kanyang among babae.
"Raul, halika sa kuwarto ko," sambit nito. Nanginginig na sumunod si Raul sa kuwarto. Isinara ng babae ang kuwarto. "Raul, hubarin mo ang damit ko!" Na agad namang sinunod nito. "Tanggalin mo ang stockings ko." Marahan nga niyang ibinaba ang stockings ng babae. "Take off my lingerie." At lahat nga ay hinubad na niya.
Di na nakapagpigil ang babae, tinitigan niyang mabuti sa mata ang pawisang houseboy, "Raul, sa susunod na mahuli kitang sinusuot mo ang mga gamit ko, sisisantehin kita!"
Saturday, October 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment