Powered by Blogger.

Thursday, June 16, 2005

ARAW NG KWELAYAAN!

Police Chief: "Guards, may nakawalang hoodlum! Bantayan ang mga exits!"
Later...
Guard: "Sir, nakatakas ang hoodlum."
Police Chief: "Paano nangyari iyun?"
Guard: "Sir, sa entrance siya dumaan."


Pari: Sister, halika dito sa silid.
Sister: Diyos ko.
Pari: Isara mo ang pinto, patayin mo ang ilaw!
Sister: Diyos ko.
Pari: Tabi ka sa akin.
Sister: Oh God!
Pari: Tingnan mo itong relo ko Glow in the Dark!


Kamote at Sawa

Usapang lasing sa isang kanto.
BLANTE: "Alam mo pare, nag-enjoy talaga ako doon sa bukid ng lolo ko! Minsa'y naghukay kami ng kamote, biruin mo, nakahukay kami ng kamoteng kasinglaki ng simbahan ng Mariveles?!"
TORANG: "Sisiw yan pare, sa sawang dumaan sa likod-bahay namin! Noong kasalukuyang dumadaan yung ulo nung sawa, nag-aalmusal kami. Noong dumaan yong buntot, naghahapunan na kami!"
BLANTE: "Ang yabang mo naman, pare, may sawa ba namang ganon kahaba? Niloloko mo naman ako eh."
TORANG: "O sige, pareng Anton, para magkasundo tayo, liitan mo yung kamote mo at iiksian ko naman yung sawa ko.


Magka-away pa rin

Palibhasa'y kapwa matalino, mahigpit na mag-kaaway and dalawang dating mag-classmates sa high school. After 35 years, nagkita uli sila sa elevator ng hotel after attending their conventions. One is now a navy captain wearing his
all-white uniform complete with nameplate and white officer's cap. Ang isa naman ay isang Obispo na, attending a Bishop Conference, dressed in his complete church regalia with bishop hat, robes,and tungkod with his name inscribed. Pretending not to recognize each other, ganito ang usapan nila:

BISHOP: Mr. Bellboy, pakitawag nga ako ng taksi.
NAVY CAPTAIN: Aba Misis, sa inyong kalagayan ay hindi na kayo dapat nag ta-travel.


True Confession


Kriminal: Father, forgive me for I have sinned
Pari: Sabihin mo lahat ang kasalanan mo anak.
Kriminal: Father, pinapatay ko ang lahat ng naniniwala sa diyos. Kayo po ba Father naniniwala doon?
Pari: Sino 'yun?



Rich and Poor


Differences between Mayaman at Mahirap sa Pilipinas:

Kung mayaman ka, meron kang "allergy"; kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mahirap, "sira ang ulo"; sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac"; sa mahirap, ang tawag dito ay "magnanakaw".

Pag mayaman ka, you're "eccentric"; kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo".

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"; kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".

Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba", pero kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".

Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga", pero ang senorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".

Kung nasa high society ka, you are approvingly called "slender" or "balingkinitan"; kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting".

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"; kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "ungga"

Kung mahirap ka at date ka rito, date ka doon, ang tawag sa iyo ay "nagwawala"; kung well-off kayo, ikaw ay "game".

"Malandi" ka kung isa kang dukhang alembong; pero kung mayaman kayo, ang tawag sa iyo ay "liberated".

Ang mahirap na tumatanda ay "gumugurang"; sa mayamang tumatanda, the description is "he or she graduates gracefully into senior citizenhood".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner'; ang equivalent na anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says "masarap kang kumain, and I like you, you do justice to my cooking"; kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will

say to himself or herself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" masiba"!


Pilot to tower: Wala na kaming fuel, 400 miles kami from shore. Give your instructions, over!
Tower: Repeat after me. Our Father, who art in heaven...



Intsik patay punta heaven, asks St. Peter: "Ano dyan sa kabila?"
St. Peter: "Wala, impyerno. Super init!!"
Intsik: "Lipat ako dun."
St. Peter: "Ha? Bakit?!"
Intsik: "Ako benta ice water.



Q & A


Q: Ano sa Filipino ang 'chair'?
A: Salumpuwit

Q: E ang 'wheelchair'?
A: Salumpo

Q: E ang 'arthritis'?
A: Salompas

Q: What about 'vinegar'?
A: E di salumpia

Q. Bakit ang oyster ayaw ibigay and kanyang perlas?
A: Dahil ang oyster ay shellfish

Q: Anong hayop ang gumagamit ng bra?
A: Eh di Cobra!

Q: Anong hayop ang gumagamit ng panti?
A: Eh di Elepanti!

Q: Anong hayop ang gumagamit ng brief?
A: Eh di Bird!

Q: Anong tawag sa sakit ng baboy?
A: Pig-sa

Q: Eh ano ang gamot sa pigsa?
A: Eh di oink-ment!


( from globalpinoy.com)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP